Walang tugmang kinakailangan
Para makagawa ng isang tulang
Magpapatunay ng pagmamahal ko
Sa iyo.
Walang tugmang kinakailangan
Para makagawa ng isang tulang
Magpapatunay ng pagmamahal ko
Sa iyo.
Inilatag ang tubig sa harap ko
Ngunit hindi ako nabasa;
Dinampian ko ng aking kamay
Ngunit hindi ako nalamigan.
Para saan pa ang pagtatampisaw
Sa tubig na nasa harap ko
Kung marumi naman ito?
Isaboy mo na lang ang tubig sa lupa
Nang hindi na iyon maging tigang
Dulot ng presensya mo.